trishanty_
- Reads 142
- Votes 69
- Parts 10
Akala nila pareho na nilang alam ang lahat tungkol sa isa't isa. Lumaki silang magkatabi, nagtawanan sa parehong mga biro, at umiyak sa parehong mga problema. Pero paano kung isang araw, magising ka na lang at marealize mong hindi na sapat ang maging kaibigan lang sa taong naging mundo mo mula pagkabata.
Si Tiffany ang palaging sandalan ni Warren, at si Warren ang tahimik na lakas ni Tiffany. Sa bawat taon na lumipas, may damdaming unti unting namuo sa pagitan nila na pareho nilang kinatatakutan aminin. Dahil minsan, ang pinakamasarap na samahan ay siya ring pinakadelikadong sugal.
Kapag ang matagal na pagkakaibigan ay nauwi sa pag ibig, handa ka bang isugal ang lahat, kahit ang posibilidad na mawala ang taong pinanghahawakan mo simula pa noon.