ameurhope
- Reads 279
- Votes 207
- Parts 32
Noong first year college, kilala si Zyrienne "Zy" Alcaraz bilang simpleng Tourism student na laging nakapusod, oversized shirts ang suot, at walang pakialam sa itsura. Isa rin siyang varsity volleyball player na mas inuuna ang training kaysa social life.
Dahil sa pagiging tahimik at "ordinary," madalas siyang maliitin ng iba. Iniwan siya ng taong pinakamamahal niya dahil "hindi siya bagay ipagmalaki."
Pero hindi nila alam...
Hindi mahina si Zy.
Tahimik lang siyang naghahanda.
Pagkatapos ng isang summer na nagpabago sa buong buhay niya, bumalik siya sa campus bilang isang bagong babae-mas confident, mas elegant, mas matapang, at mas mahusay sa volleyball.
Hindi lang mukha ang nagbago.
Pati mindset.
Habang unti-unting naaakit sa kanya ang mga taong dating nangmamaliit, may isang lalaking nakakita ng tunay niyang halaga bago pa man ang glow up.
At ngayong lahat gusto na siyang mapansin...
Handa na ba siyang magmahal ulit?
O pipiliin niyang mahalin muna ang sarili?