trey09
May mga pagkakataon sa buhay na kahit gusto mong balikan, hindi na pwede at hindi mo kaya. May mga alaala na hindi mo na dapat isipin, pero hinahanap hanap mo pa rin. Sa buhay, hindi mo alam kung kailan ka mawawalan. Hindi mo alam kung kailan ka babalikan. Hindi mo alam kung may hihintayin ka ba o kailangan mo na lang sumuko at tanggapin na lahat tayo nawawalan. At pinakahuli, may mga desisyon na dadalhin mo kasama ang panahon. Maganda man o hindi kaaya-aya, pagsisihan mo man o ikatuwa.