Camiilyx
- Reads 212
- Votes 68
- Parts 25
I'm Amera Colline.
The simple SHS girl. Hindi maganda sa paningin ng marami, pero bubbly? Sobra. Yung tipo na tatawa kahit corny, ngingiti kahit bagsak sa exam, at magiging masayahin para sa lahat - maliban sa sarili niya.
Pangarap ko lang naman maging valedictorian. Bawal ang love, bawal ang distraction. Kumbaga crush crush lng sa mga pogi sa school. Yun ang rule ko.
Hanggang dumating si Gio.
Si Gio. Mysterious. Tahimik pero kilala ng lahat. Yung lalaking pinagbubulungan sa hallway - playboy daw, paiba-iba ng babae, pero hindi mo mahuhuli.
Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung sino ba talaga siya. Basta alam ko lang, delikado siya.
Pero bakit ako? Bakit sa dinami-rami ng babae sa SHS, sa akin siya nakatingin?
Marupok ako. At alam niya yun.
Akala ko kaya kong iwasan ang isang tulad niya. Akala ko matalino ako.
Pero paano kung yung simpleng babaeng katulad ko, mahulog sa lalaking hindi marunong magmahal nang totoo?
Siya ba ang magiging happy ending ko?
O siya ang magiging dahilan kung bakit hinding-hindi na ako ngingiti nang ganoon ulit?