MsAnnderstanding
Akala ni Seraphine, ang pinakamahirap na bahagi ng kaniyang buhay ay ang mawalan ng lalaking minahal niya.
Pero paano kung bumalik ito?
Buhay nga, ngunit nakatakda namang pakasalan ang sarili niyang kapatid.
Paano niya tatanggapin ang katotohanang ang lalaking halos araw-araw niyang iniiyakan ay siya ring lalaking ngayo'y nakatingin sa kaniya na para bang hindi sila kailanman nagkakilala?
At sa likod ng lahat ng ito, anong katotohanan ang pilit na itinatago sa kaniya?