Calamig Series
1 story
The Last Certainty by yoyominjayA
yoyominjayA
  • WpView
    Reads 1,728
  • WpVote
    Votes 228
  • WpPart
    Parts 44
Start: 6/12/26 End: Sabi nila, ang kabataan ay panahon ng saya at pangarap. Ngunit para sa akin, naging simula ito ng pakikipaglaban. Sa murang edad, natuto akong magsakripisyo. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho upang mailigtas ang buhay ng nanay ko. Habang ang iba'y abala sa pagtupad ng mga pangarap, ako'y natutong mabuhay sa gitna ng pagod, takot, at walang kasiguraduhan. Lumaki akong kulang sa pagmamahal ng isang ama. Buhay siya, pero matagal na siyang patay sa buhay namin mag ina. Kaya nasanay akong akuin ang lahat ng sakit, pagod, at responsibilidad nang mag-isa. Hindi ako puwedeng mapagod. Hindi ako puwedeng sumuko. Dahil may mga taong umaasa sa akin, at kailangan nila ako. Hanggang sa dumating ang isang lalaking hindi ko naman hinanap. Wala akong pakialam sa pag-ibig. Wala rin akong interes na magpapasok ng kahit sino sa buhay ko. Pero iba siya. Hindi niya ako hinusgahan sa estado ng buhay ko. Hindi niya ako iniwan sa gitna ng mga laban ko. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi na pala ako nag-iisang lumalaban. Naging sandigan ko siya. Sa piling niya, natutunan kong huminga nang maluwag at muling maging masaya. Unti-unti, nawala ang takot kong magmahal. Handa na akong samahan siya sa bawat hirap at sakit. Handa na akong manatili sa tabi niya habang-buhay. Handa na akong masaktan, umiyak, at magsakripisyo... Basta siya ang kasama ko.