felkhnbeans
- Reads 250
- Votes 49
- Parts 30
Masaya nga ba talaga maging isang manunulat?
Bata pa lamang si Seiau, nakahiligan niya nang magbasa ng libro dahil sa kanyang lola. Kalaunan, nagbunga ang hilig na ito-isang nobelista at parte ng grupo ng pamamamahayag sa kanyang eskwelahan. Ngunit sa kasalukuyan, may isang malaking problema na bumubulabog sa kanyang isipan, at 'yon ay ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Kahit na ilang taon na siyang may pagsasanay at karanasan, hindi niya matanggap ang kanyang sarili bilang isang manunulat dahil na rin sa kakulangan ng kumpyansa.
Sa isang nakatadhanang gabi, nakasalamuha niya ang isang lalaking dadagdag sa motibasyon at lakas niya sa pagsusulat. Isa lang naman ang nais na makamit ni Seiau, at 'yun ay ang makapaglimbag ng sarili niyang libro. Ngunit kailan niya mararamdaman ang lumalagong paghanga sa isang taong hindi niya inaakalang magugustuhan niya?
Started: June 10, 2024
End: June 26, 2026