Realm: Mystic Leads Series
4 stories
Astrallore: The Hidden Gem by dydyyann
dydyyann
  • WpView
    Reads 40,298
  • WpVote
    Votes 1,519
  • WpPart
    Parts 96
𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺: 𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗟𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭 | Completed Started: June 8, 2025 Ended: May 29, 2026 Sa mundong nilalamon ng kapangyarihan at sinaunang mahika, si Aurelia Murrelle ay naging sisidlan ng Slyphrite, isang berdeng bato na may sariling buhay, at umaapaw sa malakas na enerhiya. Kinatatakutan ng mga kaharian at pinaghahanap ng mga hari't reyna, siya ang sumpa at kaligtasan na sabay na isinilang, isang nilalang na may kapangyarihang humawak ng buhay at kamatayan. Ngunit bawat himala ay may kapalit na pagdurusa. Sa tuwing tatawagin ni Aurelia ang lakas ng Slyphrite, may bahagi ng kanyang kaluluwa ang tuluyang nawawala. At sa dulo ng lahat, iisa lamang ang tanong na kailangang niyang sagutin. Handa ba niyang isakripisyo ang sarili upang iligtas ang mundong kailanman ay hindi siya tinanggap at kinamumuhian siya? o pipiliin niyang mabuhay kahit kapalit nito ang pagkawasak ng mga taong malapit sa kanya? Isang makapangyarihang espada. Isang delikadong mahiwagang bato. At isang babaeng hinubog ng liwanag, dugo at sakripisyo.
Emberborn: The Dragon Sorceress by dydyyann
dydyyann
  • WpView
    Reads 3,553
  • WpVote
    Votes 365
  • WpPart
    Parts 70
𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺: 𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗟𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮 | Completed Started: June 30, 2026 End: October 19, 2026 Isang misyon para sa buhay ng kanyang ina. Isang katotohanang babago sa kanyang mundo. Para kay Xarra Montague, ang kanyang kapangyarihang kontrolin ang mga elemento ay isang kasangkapan lamang para mabuhay, at sa pagkakataong ito, para itustos sa kanyang ina na may taglay na karamdaman. Kaya naman nang ayain siya sa isang mapanganib na misyon upang kuhanin ang sagisag ng kaharian ng Emberborn, na may malaking kapalit na salapi, hindi siya nag-atubiling tanggapin ito kahit na walang kasiguraduhan ang pagbalik niya nang buhay. Ngunit sa gitna ng paglalakbay at labanan, matutuklasan niya ang isang madilim na katotohanan: hindi siya ipinadala roon para lumaban at tapusin ang misyong iniatas sa kanya, kundi para matuklasan kung sino talaga siya. Hindi lamang niya taglay ang kakayahang kontrolin ang elemento ng yelo, taglay niya ang kapangyarihang hindi aakalain ng ilan. Hinubog ng lamig ang palad niya sa paglipad kasama ang nilalang na iisang dugo lamang ang nanalaytay.
Mythravia: The Blind Prophecy by dydyyann
dydyyann
  • WpView
    Reads 28
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 5
𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺: 𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗟𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯 | Soon Started: November 1, 2026 Ended: Sa mundong ang bawat kapalaran ay nakaguhit na at nakatakdang mangyari, taglay ni Myouiliz Herrera ang nakakamatay na biyaya. Sa bawat segundo ng tingin at titig niyang sinasalubong ng mga mata ng madla ay malinaw niyang nakikita ang hinaharap. Nakikita niya ang pagbagsak ng mga kaharian, ang nalalapit na gulo't digmaan, at ang eksaktong oras o paraan ng kamatayan ng mga taong nakakasalubong niya. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na isa siyang bulag na propesiya. Kaya niyang basahin ang kapalaran ng iba sa pamamagitan ng isang tingin at ilang segundong pagsasalubong ng mga mata, ngunit ang sarili niyang kapalaran ay nananatiling misteryo para sa kanya. Ang bawat kahapon ay wala siyang maalala. Biglang susulpot ang anino ng pagkalimot ng hindi man lang niya namamalayan. Ang bawat oras ay paggising sa isang blangkong kabanata para sa kanya. Wala siyang alaala ng kanyang nakaraan, ng kanyang pamilya, o kung anong klaseng nilalang siya bago niya nakuha ang kanyang kapangyarihan. Habang ang bukas ng ibang tao ay tila isang bukas na libro sa kanyang paningin, ang sarili niyang nakaraan ay mananatiling isang saradong pinto na nakatali sa kadiliman. Ngunit, sa bawat limot niyang nakaraan ay ang tanging alaala niyang patuloy na pinanghahawakan ay ang lalaking kumupkop sa kanya at nagpainom ng mahikang gamot na dahilan kung bakit taglay niya ang ganoong uri ng kakayahan. Sa bawat limot niyang nakaraan ay may isang lalaking magpapaalala sa kanya, na taglay din ang isang kakayahan, ang kakayahang balikan at alamin ang nakaraan ng isang nilalang. Ang lalaking magpapapaalala ng nakaraan niyang nakabaon na sa limot. Ang lalaking mamahalin ang kanyang kahapon. Ang lalaking tatanggapin nang buo ang kanyang hinaharap.
Vylmoria: The Chained Illusionist  by dydyyann
dydyyann
  • WpView
    Reads 98
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 1
𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺: 𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗟𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟰 | Soon Started: Ended: