IvyGud
Pagod sa korona at mahihigpit na batas ng kanilang makapangyarihang vampire clan sa Europe, lihim na sumama si Prince Drake sa retiradong Filipino helper na si Damien upang maranasan ang simpleng buhay sa probinsiya.
Doon niya nakilala si Sisi-isang maganda, madaldal, at nakakatawang probinsyanang itinuring siyang kakaibang foreigner na takot sa araw at walang alam sa palengke o pagsakay sa tricycle.
Hindi alam ni Sisi na vampire prince si Drake. Ngunit nang magsimulang mawala ang ilang residente at maituro siyang salarin, nabunyag ang mundong pilit niyang tinakasan-kasama ang isang kaaway na konektado sa nakaraan ni Damien at sa misteryosong pinagmulan ni Sisi.
Sa gitna ng panganib, lihim, at kaguluhan, paano tatanggi si Sisi sa isang vampire prince kung pati ang buong royal family nito ay determinado na siyang mahalin?