moonlitcherrie
Kontento na sana si Phoebe sa simpleng pagkakaibigan nila ng best friend niyang si Nikolai. Ngunit nagulo ang lahat nang isang araw ay pakiusapan siya nitong magpanggap bilang girlfriend nito. Alam niyang dapat niya itong tanggihan, pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawa.
Imposibleng mahulog siya rito... hindi ba? Playboy si Nikolai. Pero bakit tila hindi mapakali ang puso niya tuwing malapit ito?