Hailaux
- Reads 1,235
- Votes 181
- Parts 33
COMPLETE | Hilaria
Sa tahimik at mahiwagang lupain ng Sardua kung saan ang hangin ay parang may dalang mga lihim at ang dagat ay kumakanta tuwing gabi, may isang babae na bigla na lang lumitaw.
Walang nakakaalam kung saan siya galing. Parang hinulma lang siya ng hamog. Sabi ng mga tao, kakaiba raw ang mga mata niya parang may galaw na alon sa loob, at kapag dumadaan siya, parang sumusunod ang mga anino sa kanya. Tahimik siya, pero kapag nagsalita, parang may lalim ang bawat salita, na parang galing sa isang mundong matagal nang nakalimutan.
May ilan na naniniwala na isa siyang tagapangalaga ng Sardua, na may tungkuling protektahan ang isla laban sa mga hindi nakikitang panganib. Pero may iba rin na natatakot iniisip na baka isa siyang sumpa, isang paalala ng sinaunang kasunduan na nasira.
Sa Sardua, natuto ang mga tao na huwag nang magtanong kung sino talaga siya.
Kasi baka ang sagot... ay mas nakakatakot kaysa sa misteryo.
- H A I L A U X