Szhania_
Paano nga ba mag mahal ang isang babae? Marahil ang iba ay hindi sang-ayon na iba rin magmahal ang isang babae. Ngunit sa kabila nang lahat ng ito ay babae pa 'rin tayo, may puso, may nararamdaman, at nagmamahal. Marahil hindi nga tayo ganoon kagaling sa lahat ng bagay ngunit alam na'tin sa sarili na'tin na ginagawa lang na'tin ang lahat para mahanap ang tamang taong para sa'tin at mapakita na lubos tayong nagmamahal sakanila.
This is the Reimagined of Love. Hindi ito tungkol lamang sa mga babaeng tapat at totoo sa kanilang nararamdaman. Para rin ito sa mga babaeng torpe, nagugulohan, nagmamahal, nasasaktan, iniiwan, at pilit na nag aantay. Para rin ito sa mga babaeng tawagin na'ting manloloko, hindi ako narito para manghusga. Gusto ko lang buksan ang mga mata niyo, na kahit paano worth it ang magmahal ng totoo at worth it maghintay sa tamang tao.