lunaskyheart
Dalawang Elizabeth. Isang katawan. Isang kapalarang hindi niya inaasahan.
Sa kasalukuyang panahon, si Elizabeth ay isang General ng Kurogane, isang grupo ng mga assassin na bihasa sa paggamit ng mga sandatang Samurai. Matapang, prangka, agresibo at mahusay sa pakikipaglaban-hindi siya kailanman natatakot na ipaglaban ang sarili.
Ngunit sa taong 1560, may isa pang Elizabeth.
Isang prinsesa na kabaligtaran niya.
Mahina, tahimik, at sobrang bait. Dahil dito, palagi siyang inaapi at sinasamantala ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Ngunit isang araw, isang hindi inaasahang pangyayari ang mag-uugnay sa dalawang magkaibang buhay.
Kapag ang isang General ng mga assassin ay napunta sa katawan ng isang mahina at inaaping prinsesa...
Magbabago kaya ang kapalaran ni Elizabeth?
At paano kung sa panahong iyon ay may isang prinsipe na handang protektahan siya, isang dating kasintahan na may mga lihim na hindi pa tapos, at mga taong gagawin ang lahat upang manatili siyang mahina?
Sa pagkakataong ito...
Hindi na tatakbo si Elizabeth.
Siya na ang haharap sa kanila.