fleuriyn
Hindi madali ang buhay. Kailangan ay may kasapi tayo sa lahat ng sakit na ibinibigay nito. Lumaki si Azriah na ang lola at lolo niya tumayong magulang, sila lamang ang nasasandalan niya sa tuwing tinatalikuran siya ng mundo. Simula pa man noon ay hirap na siya sa pagpapahayag ng kanyang saloobin dahil sa takot na baka hindi siya maintindihan ng ibang tao.
Pero... kailangan ba talaga nating magsabi palagi? O kailangan natin ng taong makakaintindi sa atin kahit pa wala tayong sabihin?
Started: March 21, 2026