Stand Alone 📚
1 story
Alas Singko y Medya  by uwaknawriter
uwaknawriter
  • WpView
    Reads 1,392
  • WpVote
    Votes 705
  • WpPart
    Parts 18
"Kaya pala tayo pinagtagpo sa loob ng nobela - sapagkat sa totoong buhay, hindi tayo kailanman pwedeng magsama." Sa pagkamatay ni Joseph, ang ama ni Leonora Rouise, ito ang naging dahilan kung bakit siya napadpad sa pangangalaga ng kanyang lola na si Pacita - isang dating tanyag at kilalang manunulat. Siya ang sumulat ng nobelang pinamagatang Alas Singko y Medya; dito nakasalalay ang misyon na kailangang pagtagumpayan ni Leonora Rouise: baguhin ang nakatakdang wakas kung saan kamatayan ang naghihintay kay Leonora Costa, ang pangunahing tauhan ng kwento, upang mapalitan ang malungkot at masaklap na katapusan nito. Sa hindi inaasahang pangyayari, hinigop at isinama ng nobela si Leonora Rouise upang doon simulan ang kanyang misyon. Ang tagumpay ng gawaing ito ay nakasalalay sa wagas na pagmamahalan nilang dalawa ni Francisco - ito ang tanging susi upang mabago ang itinakdang kapalaran at ang kamatayang naghihintay kay Leonora Costa. Mapagtatagumpayan kaya ni Leonora Rouise ang kanyang misyon? Lalo pa't dumating sa buhay nila ang isang Kastilang si Enrique - ang taong magiging matinding hadlang sa kanilang pag-iibigan at sa pagbabagong nais niyang isagawa.