DOLLEITTE ACADEMY SERIES
3 stories
MS. CHAOS by UnanongManunulat
MS. CHAOS
UnanongManunulat
  • Reads 55
  • Votes 25
  • Parts 14
MS. CHAOS --- Magugustuhan mo kayang magaral sa ganitong klaseng eskuwelahan? Sa kung saan ang mga tao ay hindi normal? May mga sapi ata. "Wala pa akong sapi noong hindi pa ako pumapasok sa ganitong klaseng school. Pero bakit parang patagal ng patagal nagiging katulad ko na sila?" Tao sila. Pero hindi makatao ang ginagawa nila. Tao sila. Pero pumapatay sila ng tao. Tao sila. Pero siraulo sila... Ay wait, nasa script ba 'yon? Parang wala naman akong sinulat na siraulo ah? "Kase totoo naman, siraulo talaga sila! Lalo na 'yung leader nilang may sa lahing demonyo. Kaya bagay na bagay sa kaniya ang apelyido niya. Diablo!" Hayss. Let me introduce you to our main-tenance? Ano 'to?! Sino nagbago nito- ... ... Take 2... Let me introduce you to our main characters. The 'WALANG SAPI, NAPAKA MATINO AT NAPAKA GANDANG ESTUDYANTE.' Zyrelle Keithley Torres. Who wants a peaceful life but always near with the trouble. Palaging na-guidance, palaging kasali sa gulo. Gusto lang naman niya mabuhay ng payapa! "Tama!" And this is another one. That life is more chaotic than her. Yvo Lionel Diablo, second child of Mr. Diablo. Kung iniisip niyong maangas ang dating, hindi mabait, walang sinasanto, may pagka-demonyo, mamamatay tao, at tanging mga kaibigan lang ang pinagkakatiwalaan sa mundo ang lalaking 'to. Pwes tama kayo. Gano'n nga siya. Kahit gano'n ay may kaunting green flag naman sa kaniya. Nasa bokabularyo niya kase ang 'Touch Her And You'll Die.' Pero sino ba kase ang mahal niya? ... "Ako ba tinatanong mo? Eh hindi ko naman alam kung sinong mahal niyan." Hindi ako nagtatanong. Tapos na akong mag-descibe kaya huminto na'ko. "..." ... Basta basahin niyo na lang. Kayo na bahala mang-bash. ---
MS. PRESIDENT, HINDI KITA GUSTO KITA by UnanongManunulat
MS. PRESIDENT, HINDI KITA GUSTO KITA
UnanongManunulat
  • Reads 50
  • Votes 5
  • Parts 14
"MS. PRESIDENT, HINDI KITA GUSTO KITA" --- LALAKI AKO! Lah, bakit binabasa mo lang gamit ng mata mo? 'Di kaba lalaki? Sige take 2. Lakasan mo ah, dapat naririnig ko. Oo ikaw kausap ko, ikaw na nagbabasa. Ulitin mo ah. Lakasan mo dapat. 'Wag mong basahin gamit mata mo. Ok. 1 2 3 LALAKE AKO! LALAKE AKO! 'Yan perfect! Nasigaw mo ba? Magaling. Si Kenzo Crixx Devereux kasi, hindi niya kayang isigaw 'yan. Vice President of Section B-6. Lalaki sa panglabas. Binabae sa pangloob. Hindi man masyadong halata. Pero nahalataan ng President nila. Natascia Lu Chuang. President of Section B-6. Babaeng magulo kausap na gugulo ng buhay ni Kenzo. Magulo na nga noon ang buhay niya as lalo naman tuloy gumulo. Then one day, isang araw. Nagising na lang si Kenzo na gusto na niya ang babaeng magulo na gumulo ng buhay niya. Eh kung magulo na noon ang buhay niya, gumulo pa ng dumating si Natascia, gumulo pa lalo ang damdamin niya. Sobrang gulo na! 'Diba, ang gulo? Pero bakit gano'n. Sobrang sakto. Sobrang napaghandaan. Parang ang lahat ng kilos nila pulido at planado. They're like puppets who've been controlled. Pero sinong gumugulo- I mean. Sinong kumu-kontrol sa kanila? --- Nasa bakasyon kami, kasama ko 'yung president namin at couple kami ng damit. "Shota niya, parehas ng damit." "Ang ganda pa naman may jowa na pala." "Pero ok lang pogi naman ng guy." Mas naiinis lang ako lalo dahil nilalapitan siya ng mga lalaki... sa'kin wala! KELAN MAY LALAPIT NA PAPI SAKEEEEEN! --- This is your lovely author. Unanong Manunulat. I hope you'll like my next story. Hindi man ito 'yung book 2 nung unang story ko. But still, promise is a promise. Hindi ko pa lang siya magagawa ngayon kase tinatapos ko pang i-edit 'yung buong series nito. 'Yun lang, enjoy reading!
OUR MAID IS MY FUTURE FIANCE by UnanongManunulat
OUR MAID IS MY FUTURE FIANCE
UnanongManunulat
  • Reads 171
  • Votes 5
  • Parts 16
OUR MAID IS MY FUTURE FIANCE --- Saan ka makakahanap ng chinito? Maputi? Pogi? Matangkad? Hindi kinulang sa braincells pero kinulang naman sa bait? Pero mayaman naman at kaya kang bilhin? Magpapa kidnap na lang kapag nawala ka na sa bahay? Obsessed, pero takot sa dragon na ate? Wala naman 'yan sa bar. Sa USA. Sa Japan. Sa Korea. Sa Germany. Nasa bahay lang siya, nakaupo sa leader sofa nila na parang tambay. Minsan nasa bahay ng mga kaibigan kapag walang magawa o walang pagkain sa bahay nila. Minsan nasa school dahil nag aaral pa lang siya. Pero ngayon, wala siya sa leader sofa, wala rin siya sa bahay ng mga kaibigan niya, wala rin siya sa school. Nasa dirty kitchen nila malapit sa basement. Bakit siya nando'n? Anong ginagawa niya roon? Anong tinatago niya roon? Ah... Nakikipagkita siya sa isang KAIBIGAN niya. Pinupuntahan niya lang palagi tuwing gabi o minsan madaling araw ang KAIBIGAN niya lang naman. Sabay lang naman sila umuwi dahil same school lang naman sila. Atsaka KAIBIGAN niya lang naman 'yan. Nagkakainan sila... Ng mga niluto ng KAIBIGAN niya sa dirty kitchen. Kase KAIBIGAN niya ang nagluto. Pero bakit ng mawala bigla ang KAIBIGAN na iyan. Halos mabaliw na siya kakahanap. Magpapakidnap na lang dahil wala na raw kwenta ang buhay niya dahil sa isang araw lang hindi nito nakita? Sino ba iyang kaibigan niya na 'yan. KAIBIGAN lang ba talaga? Xychee Lu Villamore. Villamore ba o Chua- Hindi ko alam. Marami kaseng tinatagong sikreto ang kaibigan niyang ito. Anong tinatago niya? Hindi ko rin alam. Pwede niyo namang alamin dito 'yon... --- Nakatalukbong ako ng kumot at pumunta sa kwarto niya. Balak kong takutin ang maid namin pero ako 'yung natakot. "AAAAAHHHHH!!!" nakasuot siya ng facial mask habang naka bathrobe lang siya. Mukha siyang manang! ---