Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.
NEAU Series "The School Of Heartrub
2 stories
Love Warning  by ANDREAASCARLETT
ANDREAASCARLETT
  • WpView
    Reads 1,020
  • WpVote
    Votes 13
  • WpPart
    Parts 3
Ꮺ.°NEAU Series ୨୧⋆。The School Of Heartrub୨୧⋆。 Si Maxine ay isang matapang na babae na maraming kayang gawin. Dahil sa angking katapangan, lagi siyang nasasangkot sa gulo. Ngunit sa kabila ng pagiging palaban, taglay niya pa rin ang mabuting puso at kakaibang kagandahan. Nagbago ang tahimik niyang buhay nang lumipat siya sa isang university para sundan ang mga kaibigan niya. Sa kasamaang palad, napunta siya sa section kung saan naroon ang anim na lalaking kinaiinisan niya, mga sikat at mapanganib na estudyanteng mahilig magpataw ng 'warning' sa mga gusto nilang pahirapan. Hindi naging maganda ang unang araw niya. Sa unang pagpasok pa lang nakatanggap agad siya ng Warning. isang hakbang papalapit sa kinatatakutang Third Warning. Doon niya makikilala ang anim na lalaking gugulo sa mundo niya. Ngunit hindi lang sila ang papasok sa buhay niya. Makakatagpo rin siya ng mga bagong kaibigang babago sa pananaw niya at magiging parte ng pagbuo niya sa sarili. Sa kabila ng pangiinis at pagpapahirap, ang dating 'Third Warning' ay unti-unting magiging 'Love Warning'. Palihim na mabubuo ang pagkakaibigan at pagtingin mula sa mga lalaking nagpahirap sa kanya noon. Ngunit ang hindi inaasahan ni Maxine. hindi lang ang anim na sikat na lalaki ang magkakagusto sa kanya, kundi pati ang ibang lalaki mula sa kabilang section. At kasabay ng pag-usbong ng pag-ibig, may mga sekretong matutuklasan siya,mga lihim ng nakaraan, mga sagot sa matagal na niyang tanong, at ang misteryong bumabalot sa pagkatao niya. Masakit man tanggapin, matutuklasan ni Maxine ang totoo niyang pinagmulan at ang mapait na katotohanang matagal na itinago sa kanya. ⊰᯽⊱┈──╌❊🦋 ❊╌──┈⊰᯽⊱ Credit to the Owner of the Picture that i use 🪴🦋🪴
When The Color's Fade  by ANDREAASCARLETT
ANDREAASCARLETT
  • WpView
    Reads 194
  • WpVote
    Votes 27
  • WpPart
    Parts 9
Ꮺ.°NEAU Series ୨୧⋆。The School Of Heartrub୨୧⋆。 Si Diana ay anak ng isang mayamang pamilya. Dahil sa yaman at impluwensya ng kanilang pamilya, ilang beses na siyang nadukot at malagay sa panganib dahil para gawing banta sa Ama niya. Kaya naman umuwi siyang muli sa Pilipinas at itinago ang tunay niyang pagkatao sa ilalim ng pangalang Violet Kiara Garcia. Pumasok siya sa isang prestihiyosong unibersidad na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Doon niya makikilala ang mga bagong kaibigan at, higit sa lahat, magtatagpo ang landas nila ng siyam na lalaki. Ang tanyag na Los Principes del Encanto Boys. Ito ang grupo ng mga lalaking kinababaliwan ng lahat ng kababaihan sa campus, at sa buong social media,matatalino, mayayaman, at walang sinasanto. Palagi siyang inaasar, kinukulit, at ginugulo ng mga ito, hanggang sa umabot pa sa puntong ginawa siyang personal na utusan ng siyam. Ngunit ang dating inis at asar ay unti-unting mapapalitan ng malalim na pagtingin. Ang mga lalaking palagi siyang pinapahirapan na kinaiinisan niya ay siya pa palang mahuhulog nang husto sa kanya. Sa gitna ng panunukso, selosan, at mga lihim na banta mula sa kanyang nakaraan, matutuklasan ni Violet na hindi lang puso niya ang muling masasaktan . Kundi pati ang buhay niya ang muling malalagay sa bingit ng kamatayan. At habang lumalalim ang ugnayan nila, unti-unti niyang mabubunyag ang mga sekretong tinatago ng bawat isa , lalo na ang sekreto ng mga lalaki na nagmamahal sa kanya. May mga lihim na pilit itinatago ang mga taong nakapaligid sa kanya. Mga katotohanang kayang durugin ang tiwala, ang puso, at ang pagkatao niya. At sa bawat hakbang palapit sa kanila, palapit din siya sa isang sakit na hindi niya inakala. Credit To The Owner Of The Picture I Use 🪴🪴