Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.
RaeiPrado's Reading List
3 stories
Bukas Paggising Mo by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 9,155
  • WpVote
    Votes 544
  • WpPart
    Parts 31
An experimental love story about the feebleness of human relationships against the intense power of love. [Excerpt] "Iya, kung papayag ka, gusto ko sana'ng..." Clark cleared his throat. "I wish to be with you for a long time." "Bakit ako? Wala ako'ng maiibigay sa'yo." "May nabasa ako'ng libro last year. It's called 1984 by George Orwell." "Nerd." "The protagonists, Winston and Julia, were underground rebels fighting the system in a dystopian world. And I remember a line there that says 'Perhaps one did not want to be loved so much as to be understood.' Sa mundo nila, mas importanteng maramdaman mo na may kakampi at hindi ka nag-iisa. Kailangan nila iyon para mag-survive sila sa mundo. And you, Iya, are my Julia." Napuno ata bigla ang puso ni Iya at umapaw. How she loved hearing Clark talk geeky this way, like no one she knew. "Sus, maliit na bagay." Nagningning ang mga mata ni Clark. Iya didn't know if those were unshed tears. "Iya, hindi ko alam ang ibig sabihin ng 'love.' Palagi ko siyang nababasa, but I won't presume to know what that means. And people might say that we're still young and all, that we don't know anything about the world, pero..." "Pero?" "Nandito ka na. Nandito na ako. At willing ako'ng matutunan kung ano ang ibig sabihin ng 'love' kasama ka." But what if learning about love isn't enough? ****
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,762
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Buhay ko man ay 'di sapat  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 176,754
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. General Fiction/ Drama Wattys2015 winner/ Instant Addiction Copyright © ajeomma All Rights Reserved