Author: Hi guys! Sorry kung ngayon lang nakapag update, exam namin last week and ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time at ngayon lang din ako sinipag. Hihi. Enjoy reading!
------------------------------------------------------
NIKKI'S POV
"Ako na o-order guys, maupo na kayo." Sabi ni Arzel sa amin pagkapasok namin sa starbucks. Kasama ko sila ngayon. Sina Justin, Joshua, Micaela, Ariza at Arzel. Naalala nyo pa ba sila? Haha. Ngayon lang ulit kami nagkita kita.
Gaya nga ng sabi sa amin ni Arzel, umupo na kami. Nakahanap naman kami ng table for 6 persons. Sakto anim kami.
"So, kamusta ka na Nikki? Ngayon na lang ulit tayo nagkita kita eh." Tanong sa akin ni Justin. "4 years kang hindi umuwi dito!" Sabi naman ni Joshua.
"Oo nga," Pag sang ayon naman nung dalawa. Sino pa ba? Edi sila Micaela at Ariza.
"Ayos naman ako, oo nga eh. Sorry ah, pero nandito na ako ngayon wag na kayong mag drama dyan." Sabi ko sa kanila at tumawa ng mahina. Tumawa naman sila. Nakakamiss tong mga to eh. Akalain nyo, buo pa rin sila. Naks.
Dumating naman si Arzel kasama yung mga orders namin, "Oh ayan na guys," Sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"Salamat," Sabi naman namin kay Arzel, ngumit naman sya at ngumiti rin kami sa kanya.
Nagsimula na kami kumain ng cake at inumin yung frappe, nag kwentuhan naman kami at tawanan. Ayan lang naman lagi namin ginagawa kapag magkakasama kami eh. Nag kwento sila ng mga nangyari sa kanila nung wala ako dito sa Pilipinas, ang dami nga pala nangyari. Sige, OP ako. De joke.
"Madaya kayo! Kayo na pala ni Micaela, Joshua! Di nyo man lang sinabi sa akin. Hmp!" Sabi ko sa kanila at nag cross arm pa. YIEEEE! Sila pala nagkatulyan! :')
"Paano namin masasabi sayo, ngayon lang tayo nagkita kita! Hay nako, Nikki!" Sabi naman ni Micaela sa akin at umiling iling. Oo nga no! Ayan kasi Nikki. Hahaha.

BINABASA MO ANG
Forever And Always [UF BOOK 2 - RANZ KYLE]
Fanfiction[Book 2 of Unexpected Feelings] Bakit parang ngayon lang ulit nagparamdam si tadhana sakanilang dalawa? Susuko na ba sila? O, lalabanan nila ang pagsubok na ito ng magkasama?