Chapter Eleven: Goodbye Kiss

73.8K 1.8K 129
                                        

Two chapters to go, at malapit na pong matapos ang YBTM. Short story lang po talaga ito at hindi ko na pahahabain pa. At ngayon pa lang ay nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng kakaibang tema ng YBTM ay tinangkilik nyo pa rin at sinuportahan. Salamat ng marami ;0

Chapter Eleven: Goodbye Kiss

LOUIE'S POV

                Pagbalik ko sa ospital ay naabutan ko si Mark na naghihintay sa akin.

                "Where have you been?" Hindi maipinta ang mukha na tanong niya habang nakaupo sa ibabaw ng table ko.

                Dire-diretso ako sa mahabang sofa at basta na lang ibinagsak ang katawan roon. Pakiramdam ko ay hapung-hapo ako at gusto ko nang matulog.

                "Hindi ba sinabi sayo nang madaldal mong kaibigan?" Balik tanong ko. Honestly, I don't like that guy. Nakakairita ang kayabangan at walang preno ang kanyang bibig.

                "Iniwanan mo na naman ang trabaho mo para sundan siya. You're getting worse, Louie. Kung parati kang ganyan mas mabuti pang magbitiw ka na sa tungkulin mo."

                Tumingala ako sa kanya. "I told you so, but you never want me to quit."

                "Dahil umaaasa ako na magiging okay ka pa. Pero sa nakikita ko ngayon, you're hopeless. Patapon na kaya kita sa psychiatric ward!"

                Hindi ko napigilang matawa. "Mabuti pa nga at baka sakali na tumino ang pag-iisip ko, aray-" Binatukan ako ni Mark bago pa ako makaiwas.

                "Ako mismo ang mag-aalog ng ulo mo para matauhan ka," asik niya nang nang humakbang patungo sa table ko. Mayroon siyang  kinuha na envelope mula roon at basta na lang inihagis sa akin. "Sorry kung pinakialaman ko nang buksan iyan. I just couldn't help it," aniya na pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

                Sinulyapan ko ng matalim si Mark. Habang tumatagal ay lumalala ang pagiging pakilamero ng pinsan. Binalingan ko ang nilalaman ng envelope at mabilis na binasa iyon. It's actually a report from a private investigator. Finally, natunton na rin nito ang kinaroroonan ni Kirsten.

                "What is your plan?" Tanong ni Mark sa pananahimik ko.

                "I don't know yet." Biglang nablangko ang utak ko sa nalaman. Hindi ko alam kung anong gagawin at iisipin.

                Matagal na panahon ko ring hinanap si Kirsten. At ngayon alam ko na kung saan siya matatagpuan, hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I should be glad, dahil alam kong ligtas siya at walang anumang nangyaring masama sa kanya. Ngunit bakit tila nagbigay iyon na alalahanin sa akin.

                "Ayoko kong pangunahan ka. But for sure, you know what is the right thing to do. Just trust you heart, Louie."

You Belong To Me (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon