Do You Believe In M...
By YoungCii
266
2
0
  • ChickLit
  • assistant
  • babysitter
  • blackmail
  • forcedmarriage
  • secondlife

Description

Wala akong balak mag-asawa at hindi ako natatakot tumandang-dalaga. Sa edad na twenty-one ay apat na lalaki na ang binusted ko dahil ang tingin ko sa mga lalaki ay manloloko! Pa'no ko nasabi 'yon kung wala pa akong nakarelasyon? Well, ang tatay ko ang salarin. Pagkatapos anakan ang Mama ko ay sumama ba naman sa ibang babae. Hindi pa nakuntento at inulit pa ng tatay ko ang ginawa niya sa Mama ko. Iniwan din nito ang kinakasama. Ngayon, wala na akong balita sa babaerong 'yon at wala na rin akong pakialam kung buhay pa siya. Ayokong sapitin, ang sinapit ng Mama ko sa kamay ng tatay ko. Kaya pinangako ko sa sarili na hindi ako mag-aasawa. "Magpapakasal na po kami," sabi ko kay Mama. Pinaglipat-lipat ni Mama ang tingin sa akin at sa kasama kong lalaki. "Bukas na po ang kasal." Bakas ang pagkagulat sa mukha niya pero wala akong nakitang galit o pagtutol. Sino nga naman ang tututol sa lalaking nakakasilaw ang kagwapuhan, may taas na pangbasketball player, at may sports car na nakaparada sa labas ng bahay. Baka nga sa isip-isip ni Mama ay naka-jackpot ako. Ibinaling ko ang tingin kay Adam. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kay Mama. Gusto kong masuka sa inaarte niya. Yes, hindi ko siya mahal at hindi rin kami magpapakasal dahil mahal niya ako. Ang kasal-kasalan na 'to ay isa lang malaking palabas para lumayo sa kanya ang fiancèe niyang psychotic. Pa'no ako naipit sa magulong sitwasyon na 'to? [Photo credit to To Love Your Enemy | WEBTOON]

Chapter 1

Continue Reading on Wattpad
Do You Be...
by YoungCii
266
2
0
Wattpad